Magkaibigang most wanted tiklo

BULACAN, Philippines – Bagsak kalaboso ang  isang magkaibigang lalaki na kapwa wanted sa kasong rape matapos na matunton ng pulisya ang kanilang pinagtataguan sa magkahiwalay na lugar sa Brgy .San Vicente, Paombong at Brgy. Agnaya sa bayan ng Plaridel  kamakalawa.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Ramil Bustarde, No 1. most wanted at Guilbert Espiritu No.4 most wanted; pawang ng Brgy. San Vicente sa bayan ng Paombong at parehong may nakabinbing kaso sa sala ni Hon. Judge Ma. Theresa Arcega ng RTC Br.17 sa Malolos City at walang inirekomendang piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan

Ayon kay Chief Inspector Voltaire Rivera, dakong ala-1 ng hapon ay isang impormante ang nagulat hinggil sa muling pagbalik sa bahay ng suspek na si Bustarde sa Brgy. San Vicente na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Samantalang sumunod namang nasakote si Espiritu sa lungga nito dakong alas-3 ng hapon sa isang bahay sa Brgy. Agnaya, Plaridel.

 

Show comments