Market vendor pinabulagta

NORTH COTABATO , Philippines   â€” Pinabulagta ang 54-anyos na market vendor makaraang ratratin ng riding-in-tandem gunmen­ sa kahabaan ng highway sa Barangay Fort Pikit, bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Joefrey Todeno, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Virgilio Cordova Caragos ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan. Napag-alamang nagbibisikleta ang biktima nang harangin at pagbabarilin kung saan napuruhan sa kaliwang dibdib. Naisugod pa ang biktima sa Cruzado Medical Hospital pero idineklara itong patay. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng cal.45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments