2 sa 9 pugante sumurender

CAMARINES NORTE, Philippines â€“ Dalawa sa siyam na pugante na tumakas sa Tinangis Penal Farm sa Pili, Camarines Sur  noong Miyerkules  ang sumuko sa mga awtoridad  kamakalawa.

 Ang dalawang pugante na kapwa nahaharap sa kasong illegal drugs ay kinilalang sina Erwin Gapus, residente ng Zone 2, Del Rosario, Canaman, Camarines Sur at Moriel San Joaquin, residente naman ng Zone 3, Sitio Libis, bayan ng Magarao sa parehong lalawigan.

 Ang mga ito ay sumuko sa himpilan ng pulisya sa San Jose del Monte, Bulacan habang patuloy namang pinag­hahanap ang mga kasamahan ng mga itong pugante na sina  Rolly Cabaltera, Roland Negrido, Juan Olidario, Gilford Embele, Richard Pele, Eugene Brutas at Cea Kalim na nasasangkot sa kasong carnapping, murder, robbery at rape.

 Magugunita na nilagare ng mga suspek ang rehas na bakal sa palikuran at mula dito ay tumakas. Patuloy namang nakaalerto ang pulisya sa lalawigan ng Camarines Sur upang maibalik sa selda ang pito pang pugante.

Show comments