11-anyos ginawang sex slave

MANILA, Philippines - Masaklap na kapalaran ang sinapit ng 11-anyos na dalagitang labandera matapos itong gawing sex slave ng isa nitong suki sa bayan ng Tampilisan, Zamboanga del Norte kamakalawa. Itinago sa pangalang Neneth ang biktimang  sinamahan ng pamilya nito sa himpilan ng pulisya para ireklamo ang suspek na si Andres Porto, may-asawa, nagtra­trabaho sa rubber milling plant at naninirahan sa Barangay Sto. Niño sa nasabing bayan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagsimula ang pang-a-abuso noong 10-anyos pa lamang ang biktima na ang pinakahuli naman ay noong Oktubre 29 matapos na utusan ng kaniyang ina ang biktima na kolektahin ang damit na pinalalaba ng suspek. Gayon pa man, hindi agad nagsumbong ang biktima sa ina dahil tinatakot siya ng suspek. Subalit napilitan ang biktima na ipagtapat na sa ina  ang panghahalay ng suspek dahil hindi na niya makayanan ang pang-aabuso sa kaniya.

Show comments