MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 39-anyos na Pastor ng Alliance Church na nagsilbing campaign spokesman ng nagwaging barangay chairman sa katatapos na eleksyon sa naganap na karahasan sa bayan ng Tupi, South Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Pastor Albert Masadlang ng Barangay Atbangan sa nasabing bayan. Sa phone interview, sinabi ni South Cotabato PNP director P/Supt Romeo Ver, naganap ang pamamaslang dakong alas-6 ng gabi sa nasabing bayan. Nabatid na ang biktima ay nagsilbing campaign spokesman ni Chairman Leonard Pandat sa katatapos na barangay elections noong Oktubre 28.