Lider ng NPA na pinutulan ng paa, sumuko
MANILA, Philippines - Matapos na ituring na inutil ng kaniyang mga kasamahang rebelde sanhi ng pagkaputol ng dalawang paa, gumising na sa katotohanan ang 29-anyos na lider ng New People’s Army (NPA) nang magdesisyong sumuko sa mga awtoridad sa bayan ng Baganga, Davao Oriental kamakalawa.
Kinilala ni AFP –Eastern Mindanao Command Spokesman Captain Alberto Caber, ang sumuko na si Josan “Rico†Aquino, dating team leader ng Guerilla Front 15 sa nasabing bayan.
Si Aquino ay sumuko sa tropa ng 67th Infantry Battalion sa Barangay Salingcamot sa tulong na rin ng mga opisyal ng barangay.
Ibinulgar ni Aquino na pinutol mismo ng kanyang kasamahan ang kanyang mga paa matapos masugatan sa engkwentro noong Nobyembre 2011 bago siya ipinagamot sa ospital.
Nabatid na matinding galit ang nadama ni Aquino sa mga kasamahan dahil hindi na raw siya makapamumuhay ng normal dahil putol na ang kanyang mga paa na kung dinala lamang siya kaagad sa ospital ay maaaÂring naisalba pa ito.
“His leg was cut-off by NPA leader during the said encounter before treatment in a hospital that’s why he regret joining the NPA movement,†dagdag pa Caber.
Kaugnay nito, bilang inisÂyatibo naman sa pagsuko ni Aquino, sinabi ni Caber na pagkakalooban ito ng livelihood package para kahit papaano ay maitaguyod ang pamumuhay nito.
- Latest