Pulis nilikida sa outpost

NORTH COTABATO, Philippines — Nagbuwis ng buhay ang isang pulis na nangangalaga sa seguridad ng barangay elections matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa tapat ng outpost ng pulisya sa Mantawi Street, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng hapon. Kinilala ni P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang bikima na si PO3 Erland  Uro, nakatalaga sa Carmen PNP, North Cotabato pero nakadestino sa Kabacan PNP. Sa inisyal na imbestigasyon, ilang minuto matapos magsara ang polling center nang lapitan at pagbabarilin ang biktimang nakatayo sa PNP outpost. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol. 

 

Show comments