Kandidatong chairman ginilitan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 58-anyos na kandidatong chairman matapos itong gilitan ng di-kilalang lalaki sa terminal ng jeepney sa palengke ng Cauayan City, Isabela kahapon. Kinilala ni P/Supt. Mariano Rodriguez, hepe ng  Cauayan City PNP ang biktima na si Rogelio Jose ng Barangay Guilingan, bayan ng Benito Soliven, Isabela. Base sa police report, nag-aabang ng sasakyan ang biktima sa pilahan ng jeepney nang lapitan at gilitan. Kaagad na naisugod sa klinika ang biktima bago ito inilipat sa Isabela Provincial Hospital dahil sa maselang kalagayan.

 

Show comments