Mister inutas sa love triangle

BULACAN, Philippines — Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 43-anyos na mister sa naganap na pananambang ng motorcycle-riding gunmen sa liblib na bahagi ng Barangay Matimbubong, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kahapon. Apat na bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Jessie Dilag ng Barangay Pinaod sa nasabing bayan. Ayon kina PO3 Homer Abaya at PO1 Ryan Val Martin, lulan ng owner-type jeep (NCH-606) ang biktima nang tambangan pagsapit sa nasabing lugar.

 

Show comments