^

Probinsiya

2 brgy. chairmen tiklo sa droga, illegal logging

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang brgy. chairmen, isa rito ay kandidato ang inaresto ng mga awtoridad kaugnay ng pagkaka­sangkot sa illegal na droga at illegal logging sa magkakahiwalay na operasyon sa Iloilo at Isabela,  ayon sa opisyal kahapon.

Ito’y isang araw bago ganapin ang Brgy. elections , bukas araw ng Lunes (Oktubre 28).

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., dakong alas-12:30 ng madaling-araw ng dakpin ng mga awtoridad si Rodolfo Baldemor IV, brgy. chairman matapos ma­samsaman ng illegal na droga sa Brgy. Talokgangan, Banate, Iloilo nitong Sabado.

Arestado rin sa operas­yon ang kasamahan nito sa illegal na aktibidad na si Crisencio Badinas, nasa hustong gulang. Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang metamphetamine hydrochloride at mga drug paraphernalia.

 Sa isa pang insidente, arestado naman kamaka­lawa habang nangangampanya ang kandidatong brgy. chairman ng Brgy. San Vicente, San Pablo, Isabela na si Domingo Vier­nes dahilan sa pagkaka­sangkot sa illegal logging.

Ayon kay Chief Ins­pector Jacob Dangpason, hepe ng San Pablo, dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Cabagan Regional Trial Court (RTC) Branch 22 Judge Felipe Torio.

Sa rekord ng korte nabatid na ang suspek ay nasangkot sa pagbibiyahe ng isang truck ng troso na nasabat ng mga awtoridad sa nasabing bayan noong 2010.

AGRIMERO CRUZ JR.

BRGY

CABAGAN REGIONAL TRIAL COURT

CHIEF INS

CHIEF SUPT

CRISENCIO BADINAS

DIRECTOR P

DOMINGO VIER

ILOILO

SAN PABLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with