6-anyos lunod sa ilog

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Patay ang 6-anyos na nene matapos na malunod sa Kabilogan River sa Purok 6, Barangay Pandan sa Ligao City, Albay kamaka­lawa ng hapon. Naisugod sa Garcia Hospital subalit namatay din ang biktimang si Mercel Guanzon, Grade 1 pupil sa Pandan Elementary School. Nabatid na papauwi na ang biktima kasabay ang kaklase nito at dumaan sa makipot na dike ng nasabing ilog. Gayon pa man, nahikayat ang biktima na manghuli ng isda kung saan nadulas ito at nahulog sa malalim na ilog. Kaagad namang humingi ng saklolo ang kaklase ng biktima sa ilang residente subalit hindi na nailigtas ang buhay ng bata.

 

Show comments