Trader timbog sa arms cache

BULACAN , Philippines– Inaresto ng mga awtoridad ang isang  negosyante matapos  masamsaman ng iba’t ibang uri ng baril at bala na iniimbak nito sa kaniyang tahanan sa Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga .

Kinilala ni P/Supt. Lailene Amparo ang suspek na si Rolando Victoria, 43,negos­yante ng paputok at residente ng Sitio Manggahan,Brgy. Pulong Buhangin sa naturang bayan.

Bandang alas-6:10 ng umaga ng isilbi ng mga awtoridad ang search warrant sa tahanan ng suspek sa bisa ng ipinalabas na kautusan ni Judge Albert Fonacier ng Regional Trial Court (RTC) Branch 76 ng Malolos City.

Nasamsam mula sa suspek ang sari-saring uri ng mga baril na kinabibilangan ng cal 38 revolver, shotgun, sumpak at bulto ng mga bala kung saan ay wala itong maipakitang dokumento na legal ang pag-iingat ng mga armas. 

 

Show comments