^

Probinsiya

Umbagerong ama, kinatay ng anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan sa pagtatanggol sa kaniyang ina, napatay sa saksak ng isang anak ang 45 anyos nitong ama sa gitna ng silakbo ng kinikimkim na matinding galit sa naganap na krimen sa Brgy. Libertad, Tungawan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rogelio Babatuan, nagtamo ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siya nitong dagliang ikinamatay.

 Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na nakilala namang si Rogelio Babatuan Jr., 21 anyos.

Batay sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente sa tahanan ng pamilya Babatuan sa Brgy. Libertad, Tungawan, Zamboanga Sibugay kamakalawa dakong alas-5:15 ng hapon.

Sa imbestigasyon, nasa impluwensya ng alak ng umuwi ang nasabing biktima sa kanilang tahanan na inaaway  na naman ang kaniyang misis na palagi nitong binubulyawan at sinasaktan.

Sa gitna ng pag-aaway ng mag-asawa nang akmang bubugbugin na namang muli ng biktima ang ginang  na isinalya nito ay bigla na lamang humagip ng matalim na kutsilyo ang suspek at  pinagsasaksak ang ama na napuruhan sa insidente.

 

BABATUAN

BATAY

BRGY

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

LIBERTAD

POLICE REGIONAL OFFICE

ROGELIO BABATUAN

ROGELIO BABATUAN JR.

TUNGAWAN

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with