Elementary teacher nagbigti

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines - – Pinaniniwalaang problema sa pananalapi ang isa sa motibo kaya nagpakamatay ang 28-anyos na elementary teacher matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay 15, bayan ng Bacarra sa Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala P/Chief Insp. Randy Baoit, hepe ng Bacarra PNP ang biktima na si Sherwin Sagayaga ng Macupit Elementary School sa nasabing bayan. Sinasabing may matinding problema sa pinansiyal ang biktima kaya nag-suicide. Napag-alamang nakabakasyon sa trabaho bilang guro ang biktima simula pa noong Hunyo 2013.

Show comments