^

Probinsiya

2 patay, 11 kritikal sa road mishap

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - – Dalawa-katao ang namatay habang labing-isa naman ang malubhang nasugatan matapos sumalpok ang pampasaherong jeepney sa trak na nakaparada sa kahabaan ng highway sa Barangay Inocencio, Trece Martirez City, Cavite  kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga na­matay na sina Perpetua Diloy, 64, biyuda, ng Barangay Buna Lejos 2; at Lourdes Novero, 56, kawani ng gobyerno, ng Barangay Kaytambog sa bayan ng Indang, Cavite.

Naisugod naman sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang mga sugatang sina Norberto Deborja, 57; Elizabeth Deborja, 43; Angelica Borja, 17; mag-inang Bonnavie Santander at Bercohf Santander, 1-month old; Rita Glean, Marivic Diloy, Isabelita Mojica, Manny Reyes, Bernadeth Rodaje, at si Marife Llamado ng Brgy. Galicia 2 Market Site sa bayan ng Mendez.

Nakakulong naman sa himpilan ng pulisya ang driver ng jeepney na si Efren Espineli, 63, ng Purok 6, Barangay Alulod sa bayan ng Indang.

Ayon kay PO2 Alvin Marquez, pumutok ang  kanang gulong ng jeepney (DBK-841) kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahilan upang sumalpok sa trak (RHC-595) na nakaparada.

vuukle comment

ALVIN MARQUEZ

ANGELICA BORJA

BARANGAY ALULOD

BARANGAY BUNA LEJOS

BARANGAY INOCENCIO

BARANGAY KAYTAMBOG

BERCOHF SANTANDER

BERNADETH RODAJE

BONNAVIE SANTANDER

CAVITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with