^

Probinsiya

Ama dinedo ng dalagitang anak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 45 anyos na tatay makaraang pagsasaksakin ng sariling anak na dalagita dahil sa matinding galit kamakalawa sa Barangay Campanario, bayan ng Angadanan, Isabela.


Kinilala ni P/Senior Insp. Cris Danao, hepe ng Angadanan PNP, ang biktima na si  Kagawad Agustin Justo habang isinuko naman ng ina ang suspek na itinago sa pangalang Olive, 17.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nabur­yon ang suspek dahil sa panenermon ng kanyang tatay kaugnay sa pakikipagnobyo nito.

Gayon pa man, nagkainitan ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay hanggang sa mairita at pagsasaksakin ng suspek ang sariling ama na sinasabing lango sa alak.

Agad naman isinuko ng sariling ina ang suspek kung saan isinailalim sa kustodiya ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) sa nasabing bayan.

vuukle comment

ANGADANAN

BARANGAY CAMPANARIO

CRIS DANAO

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVE

GAYON

ISABELA

KAGAWAD AGUSTIN JUSTO

KINILALA

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with