Binatang nagtanggol sa kaibigan, dinedo

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatanggol  sa kaibigang babae, napatay ang 22-anyos na lalaki makaraang itong pagbabarilin ng isang senglot na mister sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna kamaka­lawa ng gabi. Kinilala ang napaslang na si Ochoner Balunsat habang pinaghahanap naman ang suspek na tinukoy lamang sa pangalang Jake ng Sitio Paltok sa nasabing barangay. Sa ulat ni P/Senior Supt. Pascual Muñoz na nakarating sa Camp Crame, hinaharas at binabastos ng suspek ang kaibigan ng biktima na si Ira Christine Cayube, 22. Gayon pa man sinaklolohan ng biktima at sinaway ang suspek na nambabastos sa kaibigang dalaga. Dito na pinutukan ng suspek ang biktima saka mabilis na tumakas.

Show comments