Marinduque, Batangas nilindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Marinduque, kasunod ang may 15 iba pang aftershocks simula kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Naramdaman ang pagyanig sa intensity 3 sa Batangas City at mismong bayan ng Boac, Marinduque habang intensity 1 naman sa Tagaytay City, Cavite. Kasunod nito, nakapagtala ng 15 aftershocks sa loob ng 10-oras matapos ang unang pagyanig. Ang pinakamalakas na aftershocks ay magnitude 4.2 na naitala na umabot hanggang sa Alabang, Muntinlupa City. Wala namang iniulat na nasaktan o napinsalang ari-arian sa naganap na pagyanig.

Show comments