MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang kumpirmadong namatay matapos masabugan ng granada na nabitiwan ng senglot sa Barangay Talisay, bayan ng Hilongos, Leyte, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang dalawa na sina Corazon Vega, 63, store owner at Teofilo Fabio Jr., kapwa nakatira sa nasaÂbing barangay. Ayon sa imbestigasyon, nakainom si Fabio na pinaghihinalaang drug pusher nang mabitawan nito ang hawak na granada na agad na sumabog. Nagawa pang maisugod sa Leyte Baptist Hospital pero kapwa namatay dahil sa matinding sugat na tinamo sa katawan. Narekober sa explosion site ang Magnum .357 paltik revolver na may anim na bala, mga fragments ng sumabog na granada, drug paraphernalia at plastic sachet na naglalaman ng 20 gramo ng shabu na bitbit ni Fabio.