Barangay tanod nilikida

BULACAN , Philippines   â€“ Napaslang ang 56-anyos na barangay tanod makaraang barilin ng di-kilalang lalaki sa kahabaan ng Qurino Highway sa Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte City sa Bulacan kahapon ng umaga. Tinamaan sa batok ang biktimang si Ramir Salita, mekaniko, ng Tower­ville sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO1 Danilo Atabay, nagmomotorsiklo ang biktima nang sundan at barilin sa batok ng di-kilalang lalaki na lulan din ng motorsiklo. Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa nalalapit na barangay election ang naganap na pamamaril.

Show comments