Barangay councilor nilikida

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang  isang konsehal ng barangay matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa San Roque Street, Barangay 12 sa Catbalogan City, Samar noong Huwebes ng gabi. Kinilala ni PNP spokesman P/Senior Supt. Wilben Mayor ang biktima na si Narciso Lagbo ng Barangay Tagbayaon, bayan ng Jiabong, Samar. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, hinihintay ng biktima ang pagdating ng kaniyang misis mula sa fastfood chain sa Pasalubong Center kung saan ito nagtatrabaho nang biglang lapitan at ratratin ng gunman. Narekober sa crime scenes ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol at cal.9mm pistol habang inaalam kung may kaugnayan ang pamamaslang sa nalalapit na barangay elections sa Oktubre 28.

Show comments