2 akyat-bahay arestado

CAVITE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang miyembro ng Akyat-Bahay Gang na naaktuhang nanloob makaraang masakote ng pulisya sa Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Alvin Montillaros, 20; at Vergel Orijuela, 19, kapwa nakatira sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite at sinasa­bing miyembro ng notoryus na Akyat-Bahay Gang. Ayon sa ulat, ang mga suspek ay naaktuhang nanloob sa bahay ni Sonia Alcober, 62, biyuda ng isang subdivision sa nasa­bing barangay. Ang pagnanakaw ay nadiskubre matapos na mamataan ng mga kapitbahay ni Alcober ang mga suspek kung saan narekober ang mga gamit na nagkakahalaga ng P30,000.

 

Show comments