15 estudyante, 5 guro nalason

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Labinlimang estuydante at limang guro ang iniulat na nalason makaraang mananghalian ng sinigang na baboy at pinakbet sa karin­deryang malapit sa Mayon Elementary School sa Barangay Buang, Tabaco City, Albay kahapon. Naisugod naman  sa Ziga Hospital ang mga biktimang pansamantalang hindi pinangalanan matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagkahilo. Sinuspindi pansamantala ang klase sa nabanggit na eskuwelahan habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments