6-anyos nene dedo sa kinaing isda

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan laban sa 6-anyos na nene habang gina­gamot naman sa ospital ang mga magulang at dalawang utol nito matapos malason sa kinaing isda kama­kalawa sa Brgy. Minanga Este, bayan ng Buguey, Cagayan. Kinilala ni Marvie Gillego­, municipal sanitary inspector ng Buguey ang namatay na si Rovelyn Garcia, Grade two pupil sa nasabing bayan. Naisugod naman sa Cagayan Valley Medical Cen­ter ang mga magulang nito na sina Amante at Nelia Garcia ga­yundin ang mga kapatid na sina Alice, 15; at Amelia, 13.  Sumunod din na na­isugod sa Aparri District Hospital ang lola ng biktima na si Jolina Jacinto, 70. Tanging ang isang-taong gulang na sanggol na anak ng mag-asawang Garcia ang hindi nalason. Ayon pa sa ulat, wala namang nalason sa kapitbahay ng mga biktima na nagbigay ng pinaghihinalaang ulam na isdang ‘langin-langin’.

 

Show comments