CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang desperadong 68-anyos na mister matapos itong magbigti sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Buenavista 3, bayan ng General Trias, Cavite kamakaÂlawa. Sa imbestigasyon ni PO3 Jon Jon Pilapil may hawak ng kaso, alas 10:45 ng umaga ng itawag sa kanila ang pagpapakamatay ng biktima. Sa ginawang pagsisiyasat ng pulisya, alas-5 ng umaga nang matagpuan ang biktimang si Loereto Ulgado Sr. na nakabitin sa gilid ng tangke ng tubig na may ilang metro ang layo sa kanyang bahay. Pinaniniwalaang dinamdam ng biktima ang pagkakasakit na hindi na maipagamot.