MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang Chinese national matapos ang mga itong maaktuhang nagsasagawa ng illegal na pagmimina sa Brgy. Taligaman, Butuan City nitong Huwebes.
Kinilala ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, ang mga dinakip sa mga alyas lamang ng mga itong Uh Khang at Dong Le; kapwa hindi na nakapalag ng bulagain ng arresting team.
Bandang alas- 9 ng uÂmaga ng masakote ng Butuan City Police, mga miyembro ng City Environment Resources Office (CENRO)at ng lokal na pamahalaan ang dalawang dayuhang Intsik na kapwa hirap magsalita ng English.
Samantalang sa isinagawang beripikasyon ay nabatid na wala ang mga itong kaukulang dokumento para manatili sa alinmang panig ng bansa.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang dalawang plastic containers ng crude oil, 2 units ng makina, 5 barrels ng diesel fuel, limang milimeter ng ginto sa isang plastic pan, 4 piraso ng water pumps, sari-saring extension wires, electrical wiring, 2 piraso ng steel tube at iba pang kagamitan na gamit sa illegal na pagmimina.