GAMU, Isabela , Philippines– Libu-libong Marcos loyalists ang dumagsa sa Ilocos Norte upang makibahagi sa paggunita sa ika-96 na kaarawan ng tinaguriang pinakamatalinong naging presidente ng bansa na si Ferdinand “Macoy†Marcos kahapon (11 Sept).
Unang dumating sa nasabing lalawigan ang mga dating kaibigan, kakilala, kamag-anak at mga loyalist ni Marcos mula sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Rehiyon 02 at Apayao naman sa CoÂrdillera.
Maging ang mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa kabilang na ang mga kaibigan ni dating First Lady Imelda Marcos ay dumagsa na rin sa selebrasyon ng Marcos Day.
Ayon sa mga loyalista, taun-taon ay ginugunita at dinarayo talaga nila ang Ilocos Norte upang masilayan man lamang ang lugar kung saan nagmula ang itinuturing pa rin nilang builder ng bansa na si Macoy.
Sa nasabing pagtitipon ay inilunsad ang Heritage Walk mula sa nasabing lugar kung saan pinanganak noon si Marcos hanggang sa Sta. Monica Church sa bayan ng Sarat, Ilocos Norte para sa isang misa.
Naging masaya naman ang pamilya Marcos sa nag-uumapaw at tila hindi nagbabagong suporta ng mga mamamayan sa yumaong presidente kung saan maliban sa iba’t ibang programang inihanda ng pamilya ay naghandog din sila ng ‘Macoy’ concert para sa mga mamamayan bilang alay sa kapanganakan ng dating Presidente Ferdinand Marcos.