Nang-agaw ng mikropono, inutas

QUEZON, Philippines – Bulagta ang 32-anyos na lalaki matapos itong saksakin ng senglot na inagawan niya ng mikropono sa loob ng videoke bar sa Gardiner Street, Barangay Rizallana sa bayan ng Mauban, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Edwin Calucin Jr. habang tugis na ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas Eddie.  Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nagkakasayahan sa inuman at kantahan sa loob ng Elmars Videoke Bar ang suspek at ilang kaibigan nang  agawan ng mikropono ng biktima. Inakusahan pa ng biktima ang suspek na sintunadong kumanta at hindi nito gusto ang mga kinakanta. Dahil sa matinding kahihiyan ang sinapit ng suspek sa ilang kaibigan ay nagdilim ang paningin nito at pinagsasaksak ang biktima.

Show comments