Driver tinodas sa inuman

CAVITE, Philippines – Napaslang ang 52-anyos na driver habang malubha naman ang kasama nito makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki habang nakikipag-inuman sa ilang kaibigan sa Barangay Gavino Maderan, bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Alex Castro habang nakikipaglaban naman kay kamatayan si Roberto Umali, 37, electrician, ng nasabing barangay. Narekober sa crime scene ang 7-basyo ng bala ng cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments