Kawani ng DepEd inutas sa iskul

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 40-anyos na kawani ng Department of Education (DepEd) matapos itong pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa loob ng campus ng eskuwelahan sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur noong Huwebes ng hapon.Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Rico Amora Tiu ng Purok-1, Barangay 3 sa nabanggit na bayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, kapapasok lamang sa campus ng San Francisco Pilot Elementaray School ang biktimang lulan ng motorsiklo nang biglang lapitan at ratratin ng gunman. Agad namang tumakas ang gunman kung saan sumama sa nagkakagulong mga guro at estudyante  sa nasabing paaralan. Lumilitaw pa sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay nasa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa pagkakasangkot sa illegal na droga.

Show comments