Dalaga sex slave, pinagdroga ng ka-live-in

MANILA, Philippines - Nagwakas ang pagdurusa ng 21-anyos na dalaga na sinasabing sex slave, pinagdroga ng sadistang ka-live-in saka pinagsasayaw sa club matapos itong mailigtas ng mga ope­ratiba ng pulisya sa Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ang nailigtas na biktima na si Argelou Pimentel ng Bugo, Cagayan de Oro City habang arestado naman ang suspek  na  si Nasher Estepa, 35, ng  Barangay Guiwan.

Sa ulat ng Zamboanga City PNP Women’s and Children’s Desk, dakong alas- 6 ng gabi nang masagip ang biktima sa Diamond Pub House sa Gov. Camins Road habang magbubukas ang nasabing club.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, ang biktima ay pinilit ng suspek na makisama sa kaniya kung saan nag-text ang babae sa pamilya sa Cagayan de Oro City na ibig na niyang umuwi dahil ginagawa lamang siyang sex slave ni Estepa.

Hindi pinalalabas sa bahay ang biktima kung saan hindi rin makapalag matapos sapilitang ipasok na dancer sa nasabing pub house.

Isinailalim sa stress debriefing ang biktima sa tulong ng Women and Children’s Desk ng Zamboanga City PNP.

 

Show comments