2 dedo, 11 sugatan sa road mishap

SOUTH COTABATO, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na namatay habang 11 iba pa ang sugatan makaraang magsalpukan ang pick-up at pampasaherong van sa kahabaan ng highway sa Purok Matulungin, Barangay Magsaysay sa bayan ng Polomolok, South Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P02 Alnie Sadyang-abay ang mga namatay na sina Joel Katsawan ng Purok Maguindanao, Barangay Labangal, General Santos City, driver ng van; at Sherwin Sibyal ng Polomolok. Walo-katao na pasahero ng van ang sugatan habang tatlo naman sa pick-up. Sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na ang mga sakay ng pick-up ay patungong Koronadal City para makipaglibing sa kanilang  kamag-anak habang ang direksyon naman ng van ay papuntang General Santos City.

Show comments