Negosyante itinumba ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines- Pinabulagta ng riding in tandem assassins ang 28-anyos na negosyanteng babae sa Barangay Caraitan, bayan ng Badoc, Ilocos Norte kamaka­lawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Leonardo Tolentino, hepe ng Badoc PNP ang biktima na si Louela Gorospe ng nasabing bayan. Ayon kay Tolentino, pauwi na ang biktima sakay ng motorsiklo mula sa kanyang tindahan nang tabihan at ratratin ng tandem pagsapit sa nabanggit na lugar habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments