^

Probinsiya

11 bus sinunog ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang winasak ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang sunugin ang 11 pampasaherong bus sa patuloy na paghahasik ng terorismo sa bayan ng Pagsanjan, Laguna kahapon ng mada­ling-araw.

Sa phone interview, si­nabi ni Laguna provincial PNP director P/Senior Supt. Pascual Muñoz Jr., sinalakay ng mga armadong kalalakihan na nagpanggap na mga pulis ang compound ng HM Transport Inc. sa nasabing bayan.

Walang nagawa ang mga katiwala na nagbabantay sa nasabing compound matapos na tutukan ng mga rebelde kung saan magkakasunod na  binuhusan ng gasolina ang 11 bus saka sinilaban.

“We are still investigating the identities of the culprits, but were not discounting the possibility that they were members of the NPA rebels,” pahayag ni Muñoz

Nabatid na ang mga sinunog na pampasaherong bus ay may biyaheng Cubao, Quezon City.

Kasalukuyan sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa revolutionary tax, alitan sa union ng nasabing bus company at ang business rivalry.

AABOT

CUBAO

KASALUKUYAN

NEW PEOPLE

PASCUAL MU

QUEZON CITY

SENIOR SUPT

TRANSPORT INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with