Retiradong pulis nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinaniniwalaang may koneksiyon sa dating trabaho ang naganap na pamamaslang sa 59-anyos na retiradong pulis matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng national highway sa Barangay Nueva Era, bayan ng San Manuel, Isabela kamakalawa.
 Ayon kay P/Chief Insp. Genesis Cabacungan, hepe ng San Manuel PNP, ang biktimang si dating SPO1 Ernesto Mendiola ng Barangay Vira ay ikatlong pagtatangka na sa buhay nito kung saan natuluyan sa nabanggit na bayan.  Batay sa ulat, tinabihan ng tandem ang biktimang nagmomotorsiklo saka ito pinagbabaril.

 

Show comments