Misis inutas, mister nagbigti

BATANGAS, Philippines – Nagpakamatay ang 70-anyos na Dutch national matapos nitong patayin ang kanyang misis sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng San Pascual, Batangas kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang dayuhan na si Johanea Halderman at ang misis na si Maria Aguirre na kapwa natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Alalum. Sinunog din ng dayuhan ang ilang bahagi ng bahay. Ayon sa pulisya, natagpuan si Halderman na may tali sa leeg kung kaya pinagsususpetsahan na nagpakamatay ito. Sa kama naman nakita ang bangkay ng misis na pinaghihinalaang tinabunan ng unan ang mukha hanggang sa mawalan ng hininga. Ayon sa ilang kapitbahay, madalas umanong mag-away ang mag-asawa dahil nagseselos ang misis na may ibang karelasyon ang kanyang mister.

 

Show comments