Bilanggo dinedo ng kabaro

CAVITE, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 27-anyos na bilanggo ng kanyang kasamang bilanggo sa loob ng detention cell sa himpilan ng pulisya sa Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Labing-anim na saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Mark Alvin Perez ng Barangay Fatima 2  habang nakilala naman ang nakapatay na si Joel Cinco, 23. Pinaniniwalaang nagkapikunan sa agawan ng puwesto sa pagtulog ang dalawa kaya naganap ang pamamaslang. Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak ang nakabantay  na si PO2 Franco Dela Torre dahil naipuslit ang patalim na hindi niya namamalayan.

Show comments