Foreman tinodas ng tauhan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines –Pinaniniwalaang nagkapikunan kaya pinagsasaksak at napatay ang isang foreman ng kanyang tauhang lango sa alak kamakalawa sa Barangay Lucban, bayan ng Abulug, Cagayan. Kinilala ni PO3 Rogelio Cristobal Jr. ang napatay na si Noel Nanajo na tubong Pampanga habang tumakas naman ang suspect na si Sanny Fadal na nakatira naman sa Cavite. Lumalabas sa imbestigasyon na nagkainuman ang dalawang magkaibigan matapos magbanat ng buto sa construction site kung saan naganap ang pamamaslang. Namatay ang biktima habang ginagamot sa Far North Luzon Hospital habang patuloy na tinutugis ng  pulisya ang suspect.


Show comments