Pulis-tulak arestado ng PDEA

BAGUIO CITY, Philippines – Nagwakas ang pagiging tulak-droga ng 30-anyos na pulis matapos arestuhin ng pangkat ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Paing, Ilocos Sur noong Biyernes ng hapon. Pormal na kinasuhan ni PDEA Region 1 director Jeoffrey Tacio ang suspect na si PO1 Jefferson Estonillo Javier ng Bantay PNP at nakatira sa nasabing barangay.  Ayon sa ulat, si PO1 Javier ay naaktuhang nagbenta ng dalawang plastic sachet ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib puwersa ng pulisya at PDEA. Nasamsam sa suspect ang cal. 38 revolver, drug paraphernalia, P8,044 cash, at ibat’ ibang currency.

Show comments