Anak ng pulis,1 pa huli sa drug bust

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Isang anak ng pulis at kasabwat nitong hinihinalang kamag-anak ng isang pulitiko sa Cagayan ang naaresto sa pagbebenta ng shabu matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Baligatan, Ilagan City, Isabela kamakalawa.
 Kinilala ni PDEA Regional Director Juvenal Azurin ang nasakoteng anak ng pulis na si Llyod Duarte na residente ng Cauayan City. Lumalabas sa imbestigasyon na nalambat ng mga ahente ng PDEA at mga kabaro ng ama ng suspect ang halagang P15,000 na shabu na nakasilid sa dalawang plastic sachets.
Ang shabu na mayroong isang gramo ang dami ay iniabot ni Duarte sa isang poseur buyer. 
Kasama ng anak ng pulis na natimbog sa operasyon ang isang Ricardo Fausto Garcia na hinihinalang namang kamag-anak ng isang mataas na pulitiko sa Cagayan.

 

Show comments