Logistic crew dedo sa minahan

MANILA, Philippines - Sinalubong ni kamatayan ang 49-anyos na logistic crew makaraang mahulog sa malalim na hukay na minahan sa Camp 3, bayan ng Tuba, Benguet kamakalawa. Natagpuan ang bangkay ni Rodolfo Corsino sa malalim na hukay ng minahan sa 1424 Level George Henry Shaft, Philex Mines dakong alas-12:15 ng tanghali. Si Corsino na tubong Tulana, Cagayan ay pinaniniwalaang nawalan ng balanse sa loob ng minahan kaya bumagsak at sumabit sa batuhan sa malalim na hukay. Samantala, narekober naman ang mga kagamitan ni Corsino sa bahagi ng level 778 ng minahan.

 

 

Show comments