Elementary teacher niratrat

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng  38-anyos na elementary teacher makaraang pagbabarilin ng nag-iisang gunman sa harapan ng kaniyang bahay sa Barangay Culianan, Zamboanga City noong Huwebes ng hapon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Roderick Sanchez, guro sa Lanzones Elementary School sa nasabing lungsod. Sa ulat na nakarating kay Zamboanga City PNP director P/Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, naganap ang pamamaslang habang papasok sa gate ng kanilang tahanan ang biktima mula sa maghapong pagtuturo sa eskuwelahan. Nakatakas naman ang gunman lulan ng motorsiklo habang narekober naman sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal .45 pistol.

 

Show comments