Ex-chairman tumba sa tandem

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 52-anyos na dating barangay chairman makaraang ratratin ng riding-in-tandem assassins  sa bisinidad ng Barangay Biak-na-Bato sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng hapon. Base sa police report, lulan ng traysikel ang biktimang si Enrico Legaspi nang lapitan at pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo pagsapit sa nabanggit na barangay. Napuruhan sa ulo ang biktimang mister ni Chairwoman Josie Legaspi ng Barangay Tibagan sa nasabing bayan.

Show comments