BULACAN, Philippines - Anim na kalalakihan na sinasabing notorÂyus na tulisan sa highway ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan at Pampanga kahapon ng umaga.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina HerÂmes Hernandez ng Brgy. Malibong Bata; Jonie Oton ng Brgy. Pinagkuartelan; Romeo Argenio ng Brgy. Bagbaguin sa bayan ng Pandi; Joey Estrada ng Brgy. Bañga 2nd; Elmer Agustin, at si Alex Lie De Guzman na kapwa nakatira sa Brgy. San Pablo sa San Simon, Pampanga.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, ang mga suspek ay nanghydyak ng delivery truck na may lulang mga manok na nagkakahalaga ng P.6 milyon. Gayon pa man, sa follow-up operation ay nasakote ang tatlong suspek sa Barangay Balasing sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan.
Samantala, ang tatlong iba pa ay naaresto naman sa Barangay San Pablo, bayan ng San Simon, Pampanga.
Narekober sa mga suspek ang tatlong baril, motorsiklo, at isang SUV (UJI 989) na sinasabing gamit ng mga suspek.