MANILA, Philippines - Anim na Tsino ang inaresto ng mga awtoridad matapos na maaktuhan sa illegal mining operation sa liblib na bahagi ng Barangay Mati, bayan ng San Francisco, Agusan del Sur kamakalawa.
Dalawa lamang sa mga suspek ang nakilalang sina Zhang Rongfen at Wei HongÂdi dahil walang pasaporte ang apat na iba pa na hindi naman marunong mag-EnÂgÂlish.
Base sa police report, na bandang alas-12:30 ng tanghali nang sorpresahin ng mga awtoridad ang mga suspek na naaktuhan sa small scale mining operation sa liblib na lugar ng Purok 8 Marangan sa nabanggit na barangay.
Nagtatakbo pa ang mga suspek kaya hinabol ng mga operatiba ng pulisya, Agusan del Sur Provincial Public Safety Company at ng mga kinatawan ng Municipal Environment and Natural Resources Office hanggang sa masukol ang mga ito.
Ang mga suspek ay ikinanta ng caretaker ng backhoe na si Rodrigo Geronda, 36.
Wala namang maipakitang dokumento ang mga suspek na magpapatunay na legal ang kanilang small scale mining operation.
Nasamsam sa mga suspek ang backhoe, apat na steel pipe, 2-acetylene tank, 18-piraso ng containers ng crude oil, backhoe injection pump, electric motor, geneÂrator set, at ibang gamit sa illegal mining.