Dalagita nilamon ng ilog

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Nauwi sa trahedya ang kasiyahan ng magkakaibigan matapos tangayin ng alon at malunod ang 13 -anyos na dalagita habang naliligo sa ilog sa Barangay Lalog, bayan ng Luna, Isabela kamakalawa. 
Kinilala ni P/Supt. Narciso Paragas ang biktima na si Sharina Fugaban ng San Lorenzo Village sa Barangay Marabulig, Cauayan City.
 Nabatid na dumayo pa ang biktima at mga kaibigan nito para magpiknik subalit hindi inaasahang sasalakay si kamatayan dakong alas-11 ng umaga. Bandang alas-3 ng hapon ay narekober ng mga rescue team ang bangkay ng biktima.

Show comments