Misis binigti ni mister

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya binigti ang 35-anyos na misis ng kanyang mister sa loob ng palikuran ng kanilang bahay sa Barangay Mangas 2, bayan ng Alfonso, Cavite, kamakalawa ng hapon. Bandang alas- 5 ng hapon nang matagpuan ang nakabiting katawan ni Shierly Repia habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Noel Repia, 37, construction worker. Sa ulat ni P01 Aries Kent Manaoag, inimbitahan ng suspek ang kanyang misis sa kanilang bahay para makipag-usap kaugnay sa kanilang problemang mag-asawa. Pinaunlakan naman ng biktima ang paanyaya ng suspek  kung saan isinagawa ang krimen. Hindi na nakauwi pa ang biktima at hindi na rin sumasagot sa text kaya pinuntahan kung saan natagpuang patay ang misis.

Show comments