BJMP off’cl tiklo sa droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang 46-anyos na opisyal ng Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) makaraang maaresto ng mga operatiba ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Centro, bayan ng Lallo, Cagayan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/ Senior Supt. Gregorio Lim, Cagayan PNP director ang suspek na si Senior Jail Officer I Victor Talay ng Barangay Alinnu, bayan ng Camalaniugan. Base sa police report, naganap ang operasyon malapit sa opisina ng Department of Agriculture kung saan ay nasamsam ang P3,500 na plastic sachet na shabu, cal. 45 pistol at ang marked money na ginamit sa operasyon. Ayon kay Lim, ang suspek ay nagpapakalat ng shabu sa magkakatabing bayan ng Lallo, Camalaniugan at Aparri.

Show comments