2 tiklo sa kasong murder

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang lalaki na kapwa may kasong murder matapos na masakote ng mga operatiba ng pulisya  sa magkahiwalay na operasyon sa bayan ng Doña Remedios Trinidad at San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon. Hindi na nakapalag pa sa mga tauhan ni P/Chief Insp. Rodolfo Santiago ll ng CIDT-Bulacan ang mga suspek na sina Michael Gabion, 21, ng Sitio Puting Buhangin sa Brgy. Camachile, Doña Remedios Trinidad at Paquito Salindayao, 54, ng Sitio Licao-Licao sa Barangay San Isidro, San Jose Del Monte City, Bulacan. Ang dalawa ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Hermenegildo C. Dumalao ll ng Malolos City Regional Trial Court Branch 81 at kapwa walang piyansang inirekomenda para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

 

Show comments