LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang dalawang lalaki na nagbolunter na gumawa ng jetmatic pump habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan matapos makuryente kahapon ng umaga sa Barangay Sta. Misericordia, bayan ng Sto. Domingo, Albay. Kinilala ang dalawang namatay na sina Manuel Moran at Rey William Oro habang naisugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Johnny Balistoy, Joven Vanzuela, at si Tryan Bande. Nabatid na nakipagbayanihan ang mga biktima na magkabit ng jetmatic pump sa kanilang barangay para may mainom na tubig. Habang ibinabaon ang tubo na may 40 talampakan taas ay sumabit ito sa talop na linya ng kuryente kung saan nagkikisay at namatay ang dalawa habang kritikal naman ang tatlo.